Home TOP STORIES P.7M tobats nasawata sa Taguig buy-bust; Operasyon pinaigting ng NBI

P.7M tobats nasawata sa Taguig buy-bust; Operasyon pinaigting ng NBI

1
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng National Bureau of Investigation–Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang monitoring at operasyon nito laban sa ilegal na droga sa Taguig City, kasunod ng intelligence information hinggil sa umano’y dumaraming drug dealers at drug dens sa lugar.

Kabilang din sa bina-validate ng mga awtoridad ang impormasyon tungkol sa posibleng pagkakaroon ng tinatawag na “shabu tiangge” o organisadong bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Nasa kustodiya ngayon ng NBI ang isang hinihinalang drug personality at isang menor de edad na umano’y kasama nito matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa sa Taguig gamit ang ₱700,000 marked money.

Batay sa NBI-DDD, isinagawa muna ang mahigit isang buwang surveillance at validation bago ikasa ang controlled transaction upang matiyak ang umano’y pagkakasangkot ng pangunahing suspek sa distribusyon ng ilegal na droga.

Matapos makumpleto ang transaksyon gamit ang ₱700,000 marked money, agad na inaresto ang pangunahing suspek.

Kasama rin nitong dinakip ang isang menor de edad na umano’y tumutulong sa aktibidad.

Ito ay isinailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa mga batas para sa proteksyon ng mga bata.

Lumabas din sa paunang imbestigasyon na dati nang nasangkot ang pangunahing suspek sa isang kaso bilang child in conflict with the law.

Inihahanda na ng NBI ang mga kaukulang kaso laban sa suspek sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa isang NBI-DDD operative na tumangging magpakilala dahil nagpapatuloy pa ang operasyon, hindi nagtatapos sa pagkakaaresto sa mga suspek ang imbestigasyon dahil patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad ang lawak ng umano’y operasyon ng ilegal na droga sa Taguig.

“This operation was the product of weeks of surveillance and validation, and the ₱700,000 marked money reflects the scale of the transaction we were targeting. But this does not end with one arrest. We are monitoring a growing number of suspected drug dealers and possible drug dens in Taguig. We are also validating intelligence on what could potentially be a shabu tiangge operating in the area. These are active intelligence and operational matters, so we cannot disclose further details at this time,” pahayag ng ahensya.

Sinabi naman ni NBI Director Atty. Melvin A. Matibag na patuloy na tututukan ng Bureau ang mga impormasyong nakalap upang mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa mga komunidad.

“We are receiving information that indicates we cannot afford to become complacent. Our Dangerous Drugs Division will continue developing these leads and pursuing those responsible, whether they are street-level dealers or individuals operating larger networks. We will follow the evidence wherever it leads,” pahayag ni Matibag.

Patuloy na tinutukoy ng NBI-DDD ang pinagmulan ng mga nakumpiskang ilegal na droga at ang iba pang posibleng kasabwat sa umano’y network.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang surveillance, verification at case build-up kaugnay ng impormasyon tungkol sa mga hinihinalang drug den at posibleng “shabu tiangge” sa Taguig.

Binigyang-diin ni Matibag na hindi lamang paghuli at pagkumpiska ng droga ang layunin ng kampanya ng NBI, kundi ang protektahan ang mga pamilyang Pilipino, partikular ang mga kabataang maaaring malulong sa ilegal na droga.

“I will not stop these operations because behind every young person victimized by illegal drugs is a Filipino family that suffers. I can feel the pain, especially of the parents who see their children’s lives being destroyed by drugs. The President feels the same way and has directed us to keep the pressure on those who sell and distribute illegal drugs. Ayaw niyang mapahamak ang ating mga kabataan. We will continue doing everything within the law to protect them and our communities,” paliwanag pa ni Matibag. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here