CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Nasamsam ng pulisya ang 75 kahon ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa checkpoint sa Zaragoza, Nueva Ecija noong Sabado, Nob. 30.
Sinabi ni Police Col. Ferdinand Germino, hepe ng pulisya ng Nueva Ecija, na pinababa ng mga pulis ang isang van para sa regular na pagsusuri at pag-verify.
Nagbukas ng bintana ang 42-anyos na driver at nadiskubre ng mga pulis sa plain view ang 20 kahon ng Modern Red na sigarilyo, 25 Modern Blue na sigarilyo, 20 kahon ng RGD cigarettes, at 10 kahon ng Carnival cigarettes na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.
Arestado ang driver dahil sa paglabag sa Republic Act 8293, ang Intellectual Property Code of the Philippines.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang gamit sa Zaragoza police station para sa kaukulang disposisyon.
Sinabi ni Geronimo na ang smuggling ng sigarilyo sa lalawigan ay haharapin nang naaayon. RNT