Home NATIONWIDE P1.4M shabu nasabat sa Iloilo drug buy-bust

P1.4M shabu nasabat sa Iloilo drug buy-bust

84
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang high-value drug suspect matapos makuhanan ng tinatayang P1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Dingle, Iloilo nitong Mayo 22.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Makoy,” 46-anyos at residente ng Barangay Poblacion, na itinuturing umanong kilalang drug personality sa lugar at mga karatig-bayan.

Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Devera Street matapos ang ilang linggong intelligence monitoring at case build-up ng Police Regional Office 6 (PRO-6).

Pinangunahan ito ng Iloilo Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit Team 2 katuwang ang Dingle Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit.

Narekober mula sa suspek ang limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng nasa 220 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at iba pang ebidensya.

Ayon kay PRO-6 acting regional director Brig. Gen. Randulf Tuaño, patunay umano ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here