MANILA, Philippines- Isinuko ng mga mangingisda ang narekober na bilyong pisong ilegal na droga na hinihinalang shabu, na natagpuang palutang-lutang sa katubigan ng Pangasinan noong Huwebes.
Nakalagay ang ilegal na droga na hinihinalang shabu sa loob ng 267 transparent plastic packs, may bigat na tinatayang 267 kilo at nagkakahalaga ng P1,815,600,000. Itinurn-over ng mga mangingisda ang kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG) Philippine National Police (PNP), Philippine Navy (PN), at sa National Bureau of Investigation (NBI) sa coastal barangays ng Dacap Sur, Bani, Pangasinan; Boboy, Agno, Pangasinan at Luciente I at Balingasay, kapwa sa Bolinao, Pangasinan.
“My admiration goes out to the fishermen for their selfless acts of honesty and integrity. They are not after personal gain but rather the greater well-being of society,” pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez. Danny Querubin