Home METRO P108-K marijuana, nasabat sa Las Piñas

P108-K marijuana, nasabat sa Las Piñas

227
0

LAS PIÑAS, Philippines – Arestado ang isang 22-anyos na lalaki na nahuling may hawak na P108,300 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buy-bust operation noong Setyembre 28 sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Piñas Police Chief Col. Sandro Tafalla ang suspek na si alyas Rey, residente ng Barangay Pulanglupa Uno, Las Piñas City. Siya ay naaresto dakong alas-10:00 ng umaga sa Lucky Homes, Barangay Pulanglupa Uno, Las Piñas City.

Sinabi ni Tafalla na nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Las Piñas Police Substation para madakip ang suspek na inakusahang pinagmumulan ng mga tuyong dahon ng marijuana sa barangay.

Nakumpiska kay Rey ang tatlong plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P108,300. Ang mga ito ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit para sa pagsusuri.

Si Rey ay nakakulong sa Las Piñas City Police custodial facility matapos siyang arestuhin at mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa kanya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here