Home METRO P11.5M marijuana plantation sa Kalunga, sinunog

P11.5M marijuana plantation sa Kalunga, sinunog

275
0

TINGLAYAN, Kalinga – Halos mahigit 57,000 na tanim na marijuana na nagkakahalahaga ng P11.5M ang sinunog ng magkatuwang na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang operasyon sa lalawigan ng Kalinga.

Mula Setyembre 28 hanggang 29, 2025, nagsagawa ng dalawang araw na operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Rizal Municipal Police Station (MPS), Tinglayan MPS, Tanudan MPS, Pinukpuk MPS, Provincial Police Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Kalinga Police Provincial Office, 1503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, at PDEA Kalinga sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Nagtapos ang operasyon sa pagbunot at pagsunog ng nasa 33,000 marijuana plants na may halagang ₱6.6 milyon sa unang bahagi, at 24,000 pang halaman na nagkakahalaga ng ₱4.8 milyon sa sumunod na operasyon.

Sa ipinarating nanulat kay PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang malawakang operasyon na ito ay malinaw na pahayag sa mga sindikato at nagtatanim ng marijuana na hindi titigil ang PNP para paigtingin ang laban kontra iligal na droga. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here