MANILA, Philippines – Lampas P11 milyon ang nasamsam na mga shabu sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Central Visayas sa loob ng isang linggo.
Ang mga operasyong ito ay isinagawa sa buong Central Visayas mula Setyembre 22 hanggang 28, 2024.
Ayon sa Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), kinumpiska ng mga operatiba ang kabuuang 1,724.80 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia sa nasabing panahon.
Nasa P11,728,640 naman ang tinatayang halaga nito.
Kabuuang 171 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal na droga. RNT/JGC