Home NATIONWIDE P115-M tobats nasawata ng PDEA sa CDO

P115-M tobats nasawata ng PDEA sa CDO

276
0
(c) Danny Querubin

CAGAYAN DE ORO CITY — Nahuli ng mga awtoridad ang dalawang suspek at nakumpiska ang higit P115 milyon na halaga ng shabu sa pinakamalaking drug haul sa lungsod, sa isang pinagsanib na operasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency noong Nobyembre 4, 2025.

Kasama sa operasyon ang PDEA 10, PNP, at mga airport at seaport interdiction units.

(c) Danny Querubin

Narekober ang pitong vacuum-sealed na bag ng shabu na may bigat na 17 kilo, buy-bust money, isang brown na duffle bag, at dalawang touchscreen na cellphone sa NHA, Kauswagan.

Kinilala ni PDEA Regional Director Alex M. Tablate ang mga suspek bilang sina alias “Macoy,” 19 taong gulang, at alias “Alex,” 36 taong gulang, mula sa Tablon, Cagayan de Oro City.

Sila ay kakaharapin ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here