Home NATIONWIDE P127-M cocaine nasakote ng PDEA sa Palawan

P127-M cocaine nasakote ng PDEA sa Palawan

327
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P127 milyong halaga ng cocaine, humigit-kumulang 24,003.7 gramo, sa Palawan sa isang joint operation.

“Ang narekober na ipinagbabawal na droga ay agad na sinigurong ligtas at ipapasa sa Palawan Provincial Forensic Unit para sa qualitative at quantitative examination bago ipadala sa PDEA Palawan Office para sa tamang disposisyon,” ayon sa PNP. Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang pinagmulan at destinasyon ng kargamento.

“Ang bawat matagumpay na operasyon tulad nito ay patunay na epektibo ang pagtutulungan. Hindi titigil ang PNP sa pagprotekta sa ating mga baybaying dagat at sa kaligtasan ng ating komunidad laban sa panganib ng ilegal na droga,” ani PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here