Home METRO P13.39M ilegal na droga narekober; 231 wanted naaresto sa CALABARZON

P13.39M ilegal na droga narekober; 231 wanted naaresto sa CALABARZON

2
0

LAGUNA, Philippines – Tinatayang nasa P13.39 Million halaga ng ilegal na droga ang narekober sa 228 katao na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot samantalang 231 na pawang  wanted persons ang nasakote sa  magkakahiwalay na  na operasyon at lugar sa CALABARZON.

Base sa pamumuno ni PBGen Dominic L. Baccay, Regional Director ng CALABARZON nananatiling tuloy- tuloy ang opensiba ng mga kapulisan sa nasabing rehiyon laban sa ilegal na droga at ibat- ibang uri ng kriminalidad, alinsunod sa B.E.S.T. Policing Framework – Be Visible, Engage Immediately , Serve Together, at Transfort Trust .

Napag-alaman na nagsimula ang malawang operasyon noong August 31 to Sept. 6, 2026 ( one week)  nang  magsagawa ang PRO4 CALABARZON ng  181 Anti- illegal drug operations na humantong sa pagkakumpiska ng 1,922 gramo ng hinihinalang Shabu, 1,973.97 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana at 61.72 gramo ng kush na may kabuuang halaga na  P13.399,056.40.

Bukod dito, patuloy ang pagtugis sa mga wanted persons na nasa 231 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na manhunt operations sa lalawigan ng CALABARZON na kinabibilangan ng Most Wanted Persons at Other Most Wanted Persons.

Ang mga naarestong wanted persons ay kapwa nasa kustodiya ng PNP at nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal, kabilang dito ang paglabag sa Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Robbery, Theft, Rape, Murder, at iba pang paglabag sa Revised Penal Code at mga special laws.

“Hindi tayo naghihintay na lumaki ang banta bago kumilos. We remain visible, we engage immediately, and we work together to keep our communities safe. Ang bawat operasyon ay bahagi ng tuloy-tuloy nating pananagutan na protektahan ang publiko at tiyaking mananagot ang mga lumalabag sa batas,” ani PBGen Baccay.

Ang naturang accomplishment ay direktang nakaangkla sa PNP Focused Agenda, partikular sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs at sa tuloy-tuloy na pagtugis at pag-aresto sa mga wanted persons. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here