Home NATIONWIDE P13,873 buwanang budget sapat sa pamilyang may 5 miyembro – PSA

P13,873 buwanang budget sapat sa pamilyang may 5 miyembro – PSA

496
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Philippine Statistic Authority (PSA) na ang pamilyang Filipino na may limang miyembro ay kailangan lamang ng P14,000 kada buwan para ma-meet ang kanilang minimum basic food at nonfood requirements noong nakaraang taon.

Sa 2023 official poverty statistics, sinabi ng PSA na ang five-member family ay maikokonsiderang “not poor” kung ang kanilang minimum basic food at nonfood expenses ay “not less than or below P13,873 per month.”

Ang naturang halaga ay isang ‘improvement’ mula sa P11,998 monthly noong 2021.

Ayon sa statistics agency ng bansa ang poverty threshold ay magkaiba sa bawat rehiyon ng bansa simula na ang ‘bills and expenses” ay iba-iba rin.

Gayunman ang poverty threshold para sa National Capital Region (NCR) o Kalakhang Maynila ay P15,713 habang ang Region 3 (Central Luzon) ay P16,046 at Region I4-A (Calabarzon) ay P15,457, noong nakaraang taon.

Iniuulat din ng PSA na ang national poverty incidence sa pamilya noong 2023 ay iniuulat na 10.9% – katumbas ng 2.99 milyong Pamilyang Filipino na walang sapat na kita para ma-meet ang kanilang basic food at non-food needs.

Nauna rito Inamin ng PSA na ang food poverty threshold na P63.87 kada isang tao sa isang araw ay “insufficient.”

Sinabi ng PSA na rerebisahin nito na ang methodology para sa kalkulasyon sa “poverty at food thresholds” sa susunod na taon.

Ang scheduled adjustment ay una ng sinimulan noong 2021 subalit ipinagpaliban dahil sa rurok ng pandemiya.

“It’s really insufficient but [the way] we set up the food threshold and the poverty threshold is the minimum basic needs, so it’s the least cost,” ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa.

Ayon sa PSA, ang food threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro noong nakaraang taon ay P9,581, tumaas ng 14.7% mula P8,353 kada buwan noong 2021.

Ibig sabihin nito na ang tao ay hindi kinokonsidera bilang “food poor” – “a person who is unable to consume adequate food – if he can spend more than P63.87 a day or a measly P21.3 every meal.”

Sa national level, nangangahulugan ito na ang breakfast o agahan ay tipikal na ‘scrambled egg, coffee with milk, at rice o isang rice-corn mix.’

Ang lunch o tang haling naman ay kinabibilangan ng ‘isang tasa ng monggo na may malunggay td dried dilis, isang saging banana, at isang serving ng kanin. At para naman sa dinner o hapunan kamalayan ay pritong isda o nilagang baboy, isang vegetable dish, at kanilang na may snack na pandesal.’

“First, let’s have a menu, what is typical that can produce energy, protein, calcium… those who prepare it are nutritionists, so they have a requirement on energy and nutrients after creating a food bundle for lunch, dinner, which can provide this requirement,” ayon kay Mapa.

Sa kalkulasyon ng halaga, pinili ng PSA ang ‘cheapest cost’ para sa specific item at iba-iba mula sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan.

“I agree this is really basic. A lot of people will not be happy about it but that is how the bundle is arrived at. In other words, there is science to it,” dagdag na wika nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here