Home METRO P14-M tobats nasabat ng PNP sa 2 linggong ops

P14-M tobats nasabat ng PNP sa 2 linggong ops

189
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang higit PHP14 milyon halaga ng ilegal na droga sa mga operasyon sa buong bansa mula Mayo 4 hanggang 17, 2025.

Sa kabuuang 664 na operasyon, nahuli ang 588 katao at nakumpiska ang 2.08 kilo ng shabu at 23 gramo ng marijuana.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Marcos na habulin ang mga sangkot sa droga sa lahat ng antas.

Sinabi naman ni Brig. Gen. Jason Capoy, hepe ng PNP Drug Enforcement Group, na kasalukuyan niyang pinapinal ang bagong anti-drug strategy.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa PDEA at nananawagan sa publiko na manatiling mapagmatyag. Binigyang-diin ni Marcos na ang kampanya kontra droga ay dapat manatiling makatarungan at walang karahasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here