Home HOME BANNER STORY P142K na utang ng bawat Pinoy, maituturing ding asset – Recto

P142K na utang ng bawat Pinoy, maituturing ding asset – Recto

342
0

MANILA, Philippines – Bagama’t may mga pangamba tungkol sa P17-trilyong utang ng bansa, iginiit ni Finance Secretary Ralph Recto na hindi kasing bigat ang pasanin gaya ng nakikita, at binigyang-diin na malaking bahagi ng obligasyong ito ay napapakinabangan din ng mga Pilipino mismo.

Sa ginanap na budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ukol sa panukalang 2026 national budget, ipinaliwanag ni Recto na halos 70 porsyento ng utang ng pamahalaan ay sa mga lokal na institusyon nakalista.

“On the other hand, you could also say that you have 140,000 in savings. Because one man’s liability is one man’s asset,” ani Recto.

“So 70% of our debt that we owe to ourselves is actually an asset of Filipinos. It is your pension funds, it is invested by GSIS, invested by SSS, invested by PhilHealth, invested by Pag-IBIG. So sa atin din napupunta yung 70%.”

Binigyang-diin din ni Recto na nananatiling matatag ang debt-to-GDP ratio ng bansa, na taliwas sa mga pangambang lalo pang lumolobo ang obligasyon.

“In 2022, the debt to GDP was 62.1, and if we are 61.8 then we are essentially just flat. So it’s not increasing, it’s not also totally decreasing but medyo flat lang or a slight decrease from 62.1 when we inherited it,” paliwanag niya.

Ipinunto rin ng Kalihim ng Pananalapi na nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., minana niya ang P12.8 trilyong utang at sa ngayon ay P9 trilyon pa lamang ang kanyang nautang — mas mababa kumpara sa administrasyong Duterte na nagmana ng P6 trilyon at umutang ng karagdagang P6.8 trilyon.

Dagdag pa ni Recto, sumasalamin sa katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas ang kasalukuyang credit standing. “If our numbers were truly bad, then we would not have received an upgrade in credit rating,” aniya.

Ang tugon ni Recto ay ukol sa sinabi ni Senate finance chair Sherwin Gatchalian na bawat Pilipino ay may katumbas na utang na ₱142,000 matapos umabot sa ₱17 trilyon ang utang ng bansa, na halos 80% ng household consumption per capita.

Giit ni Gatchalian, mas mabilis ang paglobo ng utang kaysa ekonomiya mula 2023 dahil sa global conflicts at pagtaas ng interest payments. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here