Home NATIONWIDE P15.8-M lotto jackpot, nasolo ng mananaya

P15.8-M lotto jackpot, nasolo ng mananaya

195
0

MANILA, Philippines – Isang mananaya ang nanalo ng P15.8 milyong jackpot sa Superlotto 6/49 draw noong Huwebes, Enero 15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa PCSO, ang nanalong kombinasyon ay 14-24-10-05-15-11, na tumama sa jackpot na nagkakahalaga ng P15,840,000.00.

Samantala, may dalawang nanalo naman sa 6D Lotto matapos mahulaan ang kombinasyong 6-6-4-2-7-5, at paghahatian nila ang jackpot na P2,608,347.00.

Wala namang nanalo sa Lotto 6/42 na may jackpot na P6,542,028.20 at kombinasyong 22-11-06-04-20-03.

Ang Lotto 6/42 ay binubunot tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang Superlotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here