Home METRO P150,000 halaga ng puslit na sigarilyo, nasamsam sa Puerto Princesa

P150,000 halaga ng puslit na sigarilyo, nasamsam sa Puerto Princesa

1
0
Image Representation Only

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang tinatayang P150,000 halaga ng mga puslit na sigarilyo sa isang operasyon sa Rampano Road, Purok Sampalok, Barangay Sicsican, dakong alas-1:20 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Naaresto rin sa operasyon ang isang 30-anyos na residente ng Zone II, Barangay Sicsican.

Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Police Station 2 ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) at City Mobile Force Company (CMFC).

Nasamsam ang 10 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyo, P30,000 marked money na ginamit sa buy-bust operation, at isang pulang Toyota Vios Super Red V.

Nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, gayundin sa paghahain ng mga nararapat na kaso.

Binigyang-diin ni PPCPO Director Col. Vincent Templo ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga yunit ng pulisya sa pagpapatupad ng batas at pagsugpo sa ilegal na kalakalan ng mga produktong saklaw ng excise tax.

Tiniyak niyang paiigtingin pa ng pulisya ang intelligence gathering at mga operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad na nagkakait sa pamahalaan ng tamang kita at nakaaapekto sa lehitimong kalakalan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here