Home NATIONWIDE P163M lotto jackpots ‘di napanalunan

P163M lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Wala na namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draw nitong Martes, Hulyo 2, 2024.

Ang panalong kumbinasyon para sa Ultra Lotto 6/58 ay 04-33-58-06-38-32 at may jackpot prize na P49.5 milyon.

Samantala, ang mga nanalong numero para sa Super Lotto 6/49 ay 10-49-14-04-39-06. Ang premyo ay aabot sa P101,347,894.

Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 combination ng 21-02-30-20-41-03 na may jackpot na P12,588,144. RNT