Home NATIONWIDE P17M pinsala iniwan ng bagyong Crising sa Ilocos Sur

P17M pinsala iniwan ng bagyong Crising sa Ilocos Sur

332
0

MANILA, Philippines – Umabot sa tinatayang P17 milyon ang inisyal na pinsala sa imprastruktura na iniwan ng bagyong Crising sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Lunes, Hulyo 21.

Kabilang sa mga nasira ang slope protection ng isang day care center sa Barangay Lubang, Cervantes; ilang farm-to-market roads; pasilidad ng ospital; at flood control projects, ayon kay PDRRM officer Rhon Arquelada sa isang panayam sa media.

Naiulat din ang pagkasira ng siyam na bahay na bahagyang naapektuhan ng bagyo.

Tinatayang 2,115 pamilya o 6,718 katao ang nabigyan ng family food packs, hygiene kits, at sleeping kits mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Nagbigay din ng serbisyong medikal at gamot ang Provincial Health Office sa mga nasalanta.

Bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Crising, nagbabala ang weather bureau nitong Lunes sa posibilidad ng flashfloods at landslides bunsod ng malalakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na habagat, lalo na sa mababang bahagi ng Abra, Silay-Sta. Maria, Buaya, at Amburayan.

Bilang tugon sa pagbaha sa Barangay Fuerte sa bayan ng Caoayan, nagsagawa ng paghuhukay para lumikha ng kanal mula sa ilog patungong West Philippine Sea upang mapabilis ang pag-agos ng tubig baha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here