TABUK CITY, Kalinga- Nadiskubre ang 18 dried marijuana bricks at stalks na nagkakahalaga ng P2.1 milyon sa tabing-ilog sa Purok 6, Bulanao, sa lungsod na ito nitong Biyernes.
“A concerned citizen working as a construction crew at the Chico River flood control project discovered the half sack of suspected marijuana bricks while he was fishing,” pahayag ni Police Master Sgt. Prodencio Atas, tagapagsalita ng Tabuk City police station.
Sinabi ni Atas na agad na iniulat ng concerned citizen ang pagkakadiskubre sa mga pulis na nagpapatrolya sa Chico River.
Nakabalot ang kontrabando sa transparent tape at itinurn-over na sa Police Provincial Office para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Ani Atas, patuloy ang follow-up investigation upang matukoy kung sino ang may-ari nito.
Nagkakahalaga ang isang brick ng dried marijuana ng P120,000, ayon sa Dangerous Drug Board. RNT/SA