MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang nasa 12,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.4 milyon mula sa dalawang taniman nito sa Mount Bilis, Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur nitong Biyernes, Agosto 30.
Ayon kay Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista, Ilocos police chief, ang 7,200 FGMP na nagkakahalaga ng P1.4 milyon ay nakumpiska sa unang plantasyon na may lawak na 900 square meters.
Nasa kabuuang 4,800 FGMP naman na nagkakahalaga ng P960,000 ang nadiskubre sa ikalawang plantasyon na may lawak na 600 square meters. RNT/JGC