Home NATIONWIDE P2.8M tulong ipinaabot ng DSWD sa mga apektado ng sama ng panahon

P2.8M tulong ipinaabot ng DSWD sa mga apektado ng sama ng panahon

321
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy na nakaalerto ang ahensya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal na apektado ng habagat at low pressure area (LPA) na nagdulot ng malakas na buhos ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula noong Agosto 22.

Ayon kay Asst. Secretary Irene Dumlao ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) na mahigpit na binabantayan ng Kagawaran ang sitwasyon upang matiyak na maibibigay ang tulong nang walang pagkaantala.

“Ang DSWD ay naka-high alert para matiyak ang lahat ng nangyari ay agad na matutulungan. We have prepositioned relief goods in our warehouses and are working hand in hand with local government units (LGUs) for faster distribution,” sinabi ni Asst. Secretary Dumlao, na siya ring tagapagsalita ng DSWD, noong Miyerkules, Agosto 27.

Ang DSWD ay nakapagbigay na ng mahigit P2.8 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya at indibidwal, kabilang ang mga family food packs (FFPs) at non-food items.

Batay sa pinakahuling ulat ng Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC), nasa kabuuang 9,445 pamilya o 42,858 katao sa 72 barangay sa Rehiyon CALABARZON, 5 (Bicol), 8 (Eastern Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula) at 12 (SOCCSKSARGEN) ang apektado.

Kaugnay nito, tiniyak din ng tagapagsalita ng DSWD sa publiko na ang mga Field Office ng ahensya ay handa na magbigay ng tuluy-tuloy na suporta.

“Hindi po tayo titigil hangga’t hindi nakakabangon ang ating mga kababayan mula sa epekto ng weather disturbances,” dagdag pa ni Dumlao.

Ang DSWD ay kasalukuyang nagpapanatili ng higit sa P2.1 bilyon na halaga ng mga stockpile at standby na pondo na handa para sa agarang pagpapalaki sa mga apektadong LGU. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here