MANILA, Philippines – Inaresto ang limang indibidwal at nasamsam ang mahigit P20 milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation sa Tanza, Cavite, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.
Ginawa ang operasyon Miyerkules ng gabi sa isang parking area malapit sa fast-food sa Antero Soriano Highway, Barangay Sahud Ulan.
Kabilang sa mga inaresto ang pangunahing target na si “Arapat,” kasama sina Geolds, Muhaimen, Mama, at Pinda, na may edad 23 hanggang 50.
Narekober ng awtoridad ang humigit-kumulang tatlong kilo ng shabu, isang red at brown na sedan, marked money, mga telepono, ID, at iba pang dokumento.
Ayon sa PDEA, haharapin ng mga suspek ang kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagbebenta at pagmamay-ari ng ilegal na droga. Dave Baluyot