Home METRO P200K shabu nasamsam sa drug ops sa Navotas, Valenzuela

P200K shabu nasamsam sa drug ops sa Navotas, Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Higit sa P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa limang drug suspects makaraang masakote na naganap na buy bust operation sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela.

Nagkasa ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ng buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng dalawang suspek na lalaki na edad 30, at 57.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dambahin ng mga operatiba NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Brgy., Tangos South dakong alas-6:36 ng madaling araw matapos bintahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.6 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P106,080 at buy bust money.

Nauna dito, alas-4:45 ng madaling araw nang maaresto din ng mga operatiba ng DDEU ang dalawang lalaki na edad 31, at 42, at 54-anyos na babae sa buy bust operation din sa Sagip St., Phase 2, Brgy , Arkong Bato, Valenzuela City.

Nasamsam sa kanila ang nasa 14.8 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,640 at buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here