Home METRO P21K halaga ng karne ng pagi nasamsam sa Cebu

P21K halaga ng karne ng pagi nasamsam sa Cebu

219
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa anim na kahon na naglalaman ng mga karne ng pagi na illegal na ibinibenta sa Pasil Fish Market sa Cebu City.

Ang mga pagi na nagkakahalaga ng P21,600 ay nagmula umano sa Zamboanga at ibinibenta labag sa Marine Species Protection Ordinance (City Ordinance No. 2496), na mahigpit na nagbabawal sa paghuli, pagbebenta at pagkakaroon ng ilang uri ng marine species sa hurisdiksyon ng Cebu City.

Pinagmulta naman ng P5,000 ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) ang may-ari ng kargamento na kinilala bilang si V. Catingub.

Ayon sa pinuno ng DVMF na si Dr. Alice Utlang, nadiskubre ang mga pagi kasabay ng routine market inspection na bahagi ng nagpapatuloy na enforcement operations target ang mga vendor na nagbebenta ng mga protected o regulated species. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here