Home NATIONWIDE P21M winasak ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura

P21M winasak ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura

MANILA, Philippines – Nag-iwan ng pinsala ang Bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura na nagkakahalaga ng P21,651,548, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng NDRRMC na may kabuuang 369 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Winasak din ni Aghon ang mga pananim sa 292.9 ektarya, gayundin naapektuhan ang mga alagang hayop, manok, at palaisdaan na nagkakahalaga ng P448,300.

Nauna nang sinabi ng NDRRMC na may kabuuang 51,858 katao o 16,404 na pamilya ang naapektuhan ng Aghon. Karamihan sa kanila ay naiulat sa Calabarzon na may 25,980 at Bicol na may 10,675.

Nag-iwan din ito ng pitong patay, karamihan ay mula sa Quezon province. Kabilang sa mga nasawi ang dalawang lalaki, edad 56 at 22, na nalunod, at isang 39-anyos na lalaki na natamaan ng nahulog na puno.

May kabuuang 51,858 katao o 16,404 pamilya ang naapektuhan ng Aghon, ayon sa NDRRMC. Karamihan sa kanila ay naiulat sa Calabarzon na may 25,980 at Bicol na may 10,675.

Naibigay na ang tulong na nagkakahalaga ng P6,765,912 sa mga biktima sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Central Visayas, ayon sa NDRRMC.

Nakaalis na si Aghon sa Philippine Area of ​​Responsibility nitong Miyerkules. RNT