Home NATIONWIDE P220M claims sa Marawi siege victims naipamahagi na

P220M claims sa Marawi siege victims naipamahagi na

139
0

MANILA, Philippines – Naipamahagi na ng Marawi Compensation Board (MCB) ang kabuuang P222,177,217.43 halaga ng claims para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

Sa ulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakatanggap ang MCB ng aplikasyon para sa danyos sa mga nawalang ari-arian at buhay dahil sa naturang siege, o nasa 14,083 aplikasyon.

Sinabi sa ulat na inaprubahan ng MCB ang 387 claims na nagkakahalaga ng P702,966,301.70 at naipamahagi na ang P222,177,217.43 hanggang noong Hunyo 15, 2024.

Noong Hulyo 2023, binuksan ng MCB ang aplikasyon para sa mga claims katulad ng structural property, death, at personal property claims.

Ang mga biktimang nawalan ng tirahan noong Marawi siege ay maaaring makakuha ng kompensasyong P18,000 per square meter para sa totally damaged structures.

Magbibigay din ang MCB ng nasa P350,000 para sa mga pamilyang namatayan sa panahon ng bakbakan.

Nasa 17,800 pamilya ang apektado ng Marawi siege na inaasahang makatatanggap ng financial aid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here