Home NATIONWIDE P229M lugi sa agrikultura sa NegOr dahil sa El Nino

P229M lugi sa agrikultura sa NegOr dahil sa El Nino

DUMAGUETE CITY – Umabot na sa mahigit P229 milyon ang pinsala sa pananim at iba pang pagkalugi sa produksyon ng agrikultura sa Negros Oriental dahil sa El Niño.

Ang ulat mula sa Department of Agriculture-Provincial Agriculture Technology Coordinating Office (DA-PATCO) ay nagpakita na noong Abril 18, ang pagkawala ng produksyon sa halaga ay naka-peg sa P229.881 milyon.

Kabilang dito ang palay, mais, mga high-value crops tulad ng prutas at gulay, pangisdaan, livestock at agricultural infrastructures mula sa 13 bayan at lungsod.

Ang mga apektadong lugar ay Mabinay, Bayawan City, Zamboanguita, Vallehermoso, Bais City, Dumaguete City, La Libertad, Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Dauin, Tayasan, at Canlaon City.

Nakapagtala ang Mabinay ng pinakamataas na pagkalugi sa mahigit PHP90.6 milyon sa mga high-value crops at humigit-kumulang P18.5 milyon sa palay.

Samantala, ang Zamboanguita ay nakapagtala ng P23.5 milyon na pinsala sa isang sistema ng irigasyon.

Ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ay umabot sa 5,193.

May 1,306 na ektarya na naapektuhan ay walang pagkakataong makabawi (total nasira) habang ang mga bahagyang nasira at maaari pa ring makabawi ay naka-pegged sa humigit-kumulang 3,542 ektarya, ayon sa ulat.

Nangangamba ang ahensya na patuloy na tataas ang bilang sa mga susunod na linggo dahil hindi pa lahat ng local government units ang nagsumite ng kanilang mga ulat. Santi Celario