Walang bettor ang nakahula ng tamang kumbinasyon para sa Superlotto 6/49 at Lotto 6/42 na ibonola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes, Setyembre 26.
Ang mga nanalong numero para sa Superlotto 6/49 ay 20-30-06-46-25-39. Ang jackpot ay nasa P15,840,000.
Ang tamang kumbinasyon para sa Lotto 6/42 ay 34-11-32-41-13-39. Ang premyo ay nasa P8,807,065.60. RNT