Home METRO P25-M pekeng produkto nasabat ng NBI sa Maynila, CDO

P25-M pekeng produkto nasabat ng NBI sa Maynila, CDO

174
0

MANILA, Philippines – Mahigit P245 milyon halaga ng pekeng produkto ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na raid sa Metro Manila at Cagayan de Oro City noong Peb. 9 at 10.

Ayon sa NBI, nakuha sa Manila, Valenzuela, at Quezon City ang 22,750 piraso ng pekeng ‘Ultra White Sunscreen’ na may tatak na “HIKARI,” na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon. Samantala, sa Cagayan de Oro, nakumpiska ang 9,571 pekeng ‘Ray-Ban’ at 4,525 pekeng ‘Oakley’ eyewear, na may halagang P242.5 milyon.

Nagbabala ang NBI na ang mga pekeng produkto ay delikado sa kalusugan at nakakasama sa ekonomiya ng bansa, kaya pinapayuhan ang publiko na maging maingat at huwag bumili ng peke. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here