Home NATIONWIDE P253.3B pondong pang-ayuda inilaan ng DBM sa 2025

P253.3B pondong pang-ayuda inilaan ng DBM sa 2025

150
0

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit sa P200 billion sa panukalang P6.352-trillion national budget para sa susunod na taon para sa iba’t ibang social assistance at cash aid programs para tulungan ang mga mahihirap at vulnerable sectors sa bansa.

“Under NEP (National Expenditure Program) 2025, a total of P253.3 billion is allocated for ‘ayuda,’” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa press conference sa Malakanyang, araw ng Huwebes.

Ayon sa Kalihim, ang P114.1 billion ng budget allocation para sa aid programs ay isasantabi para sa flagship Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang panukalang 4Ps budget para sa 2025 ay 7.4% mas mataas kaysa sa P106.3-billion na inilaan sa national budget ngayong taon.

Makatatanggap din ang DSWD ng isa pang P49.8 billion para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens program nito, kung saan ang mga indigent senior citizens ay makatatanggap ng monthly allowance na P1,000.

Ang isa pang P35.1 billion ay ididerekta naman sa Social Welfare Department para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances program nito.

Ang Sustainable Livelihood Program, sa ilalim din ng DSWD, ay makakukuha ng P4.4 billion budget para sa susunod na taon. Layon ng programa na suportahan ang mga gumradweyt (graduate) mula sa 4Ps para mapanatili ng mga ito ang kanilang kabuhayan.

Sa kabilang dako, ang Food Stamp Program naman ng DSWD, isang cash aid program ay naglalayon na suportahan ang nutritional needs ng ‘poorest of the poor households’ sa pamamagitan ng paggamit ng electronic cash cards para sa kanilang pagbili, makatatanggap ng budget na P1.9 billion sa taong 2025.

Samantala, ang Department of Health (DOH) ay makatatanggap ng budget na P26 billion para sa Medical Assistance to Indigent and Financial Incapacitated Patients program nito.

Makakukuha rin ang DOH ng alokasyon an P1.250 billion sa ilalim ng expenditure program para sa susunod na taon para sa Cancer Assistance Fund nito.

Ang Department of Labor of Employment’s (DOLE) TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Workers Program ay makakukuha rin ng P14.1 billion para sa susunod na taon.

Tinuran ni Pangandaman na ipagpapatuloy naman ng Department of Transportation (DOTr) ang fuel subsidy nito para sa public transport para sa susunod na taon na may budget na P2.5 billion.

Layon ng fuel subsidy program ay pagaanin ang paghihirap ng public transport operators at drivers sa panahon na labis na sumirit ang presyo ng petroleum.

Katulad din ng fuel assistance program ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda ay makatatanggap din ng kabuuang budget allocation na P100 million —P50 million para sa mga magsasaka at P50 million naman para sa mga mangingisda. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here