Home NATIONWIDE P2M pabuya alok sa makapagtuturo sa pumatay sa radio broadcaster sa Surigao

P2M pabuya alok sa makapagtuturo sa pumatay sa radio broadcaster sa Surigao

200
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang P2 milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga pumatay sa radio broadcaster na si Erwin Segovia sa Bislig City, Surigao del Sur.

Ayon sa ulat, ang reward ay mula sa dating alkalde ng bayan ng Cantilan, congressional office ng Surigao del Sur, at ng provincial government.

Sa pahayag, sinabi naman ni Governor Johnny Pimentel na nag-alok sila ng pabuya ni Congressman Alexander Pimentel para sa mas mabilis na pagbibigay ng hustisya at pakikiramay sa pamilya ng biktima.

“The entire province of Surigao del Sur mourns the tragic and senseless killing of Mr. Boy Segovia, a dedicated member of the local media and a fellow Surigaonon,” sinabi ni Pimentel.

Nakikipagtulungan na rin ang gobernardo sa mga awtoridad para sa mas mabilis na paglutas sa kaso.

“Violence, especially against those who serve the public by shedding light on truth, has no place in our province or anywhere in our nation. This senseless act must not go unpunished,” dagdag ni Pimentel.

Matatandaan na binaril at pinatay si Segovia noong Lunes sa Barangay Mangagoy habang pauwi ito sakay ng motorsiklo matapos ang kanyang programa sa radyo.

Ang kanyang programa sa radyo ay tumatalakay sa mga isyu sa lipunan, local governance at usapin sa komunidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here