Home NATIONWIDE P3.2-B US maritime security funding ibibigay ng US sa Pinas

P3.2-B US maritime security funding ibibigay ng US sa Pinas

278
0

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng bahagi ang Pilipinas mula sa $55 milyon (₱3.2 bilyon) na pondo ng Estados Unidos para sa seguridad sa dagat sa Indo-Pacific, ayon sa US Department of State nitong Huwebes.

Layon ng pondo na palakasin ang kakayahan ng mga bansa, kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Pacific Islands, at iba pang South Asian nations, sa pagpapatupad ng batas laban sa iligal na aktibidad sa dagat, gaya ng illegal fishing at trafficking.

Inanunsyo ang pondo sa ministerial meeting sa New York na isinabay sa UN General Assembly. Nanawagan si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa mga bansa na igalang ang international law, habang kinondena naman ni US Secretary of State Marco Rubio ang “expansive and unlawful maritime claims” ng China sa South China Sea.

Iginiit din ni Rubio ang mas matibay na kooperasyon para protektahan ang kalayaan sa paglalayag at kalakalan. Dumalo ang 40 bansa sa pagpupulong na co-hosted ng US, Pilipinas, Australia, Estonia, Greece, Japan, Netherlands, Romania, at UK. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here