Home METRO Halos P3-M ‘bato’, ‘ecstasy’ nasamsam ng PDEA CALABARZON

Halos P3-M ‘bato’, ‘ecstasy’ nasamsam ng PDEA CALABARZON

117
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang isang suspek na tinaguriang high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PNP Cavite Maritime Police Station at PNPSDEU Bacoor City Police Station sa harap ng isang mall sa Barangay Molino 4, City of Bacoor, Cavite. 

Nitong Agosto 26, 2025 sa ganap na 8:10 ng gabi, inaresto ang suspek na nakilalang si alias Samson, 64, lalaki, may asawa, walang hanapbuhay at residente ng Kalaludan, Pagayawan, Lanao Del Sur. 

Nasamsam ng mga otoridad ang humigit kumulang na 1,157 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng Php1,966,900.00, humigit kumulang na 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,020,000.00, at buy-bust money. 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act9165 o ng  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may parusang panghabang buhay na pagkakakulong. DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here