Home METRO P300K pabuya alok vs pumatay sa tserman sa Ilocos Norte

P300K pabuya alok vs pumatay sa tserman sa Ilocos Norte

LAOAG CITY – Nag-anunsyo nitong Lunes si San Nicolas, Ilocos Norte Mayor Angel Miguel Hernando ng P300,000 reward sa sinumang makakatulong sa pagkilala sa gunman at mastermind sa pagpatay sa isang punong barangay mula sa nasabing bayan noong Setyembre 20.

Nakaupo sa harap ng kanyang garahe ang first-term village chief Francisco “Jojo” Bagay Jr. ng Barangay 5 San Silvestre nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin alas-6:25 ng gabi gamit ang kalibre .45 na pistol. Agad tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang kasabwat.

Naisugod pa sa Black Nazarene Hospital ang biktima ngunit idineklara itong patay ng attending physician.

“Ang karumal-dumal na gawaing ito, na ginawa ng isang motorcycle riding-in-tandem, ay isang duwag na pag-atake sa mismong mga haligi ng ating komunidad – ang mga nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa iba,” sabi ni Hernando sa isang panayam sa media.

Sa press conference na ginanap sa Camp Valentin S. Juan sa lungsod na ito, kinumpirma ni Police Colonel Frederick E. Obar, provincial director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, na PHP300,000 ang alok ng alkalde ng bayan.

“Natukoy namin ang punto ng interes – kung sino ang bumaril sa kanya, ang motorsiklo na ginamit, at ang mga hindi niya sinang-ayunan bago ang insidente,” aniya, na binanggit na sinusubaybayan nila ang CCTV footage at mga resulta ng ballistic at post-mortem examination.