Home NATIONWIDE P38M combined lotto jackpots mailap!

P38M combined lotto jackpots mailap!

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa malaking lotto draw noong Lunes, Mayo 27, 2024.

Walang bettor ang nakahula nang tama sa winning digits para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga nanalong numero para sa Grand Lotto 6/55 ay 13-53-24-51-38-31. Ang premyo ay P29,700,000.

Para sa Mega Lotto 6/45, ang winning combination ay 40-42-18-28-35-23 ay nanalo sana ng P8,910,000. RNT