Home NATIONWIDE P3M droga nasabat sa 2 bebot sa Taguig

P3M droga nasabat sa 2 bebot sa Taguig

111
0

Manila, Philippines – Kulang-kulang sa P3M halaga ng ipinagbabawal na droga o hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station sa kanilang isinagawang drug buy bust operation pasado alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules sa Barangay Ususan, Taguig City.

Kumagat sa pain ng pulis ang dalawang suspect na kinilalang sina alyas Beth, 26 years old, at alias Claire, 58 years old.

Nakumpiska ng mga operatiba ang mahigit sa 400 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na umaabot sa P2,720,000.00 o kulang-kulang sa P3 Milyon.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang weighing scale ng droga at ang buy bust money at boodle money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at section 11 ng RA 9165, o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here