Home NATIONWIDE P3M ismagel na sigarilyo sa Lanao nabuking sa sumbong ng residente

P3M ismagel na sigarilyo sa Lanao nabuking sa sumbong ng residente

14
0

MANILA, Philippines- Narekober ng mga awtoridad ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo sa Barangay Tacub, Pindolonan, Marantao, Lanao del Sur, kasunod ng tip sa mga residente.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa concerned citizens at opisyal sa pagdaan ng tatlong sasakyan na posibleng kargado ng mga kontrabando.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Abecia, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) regional director, agad na naglatag ng checkpoint ang mga miyembro ng Marantao Municipal Police Station (MPS).

Sa kabila nito, ibinaba ng mga hindi natukoy na suspek ang kanilang karga at iniwan bago pa makarating sa checkpoint saka tumakas.

Nagtungo ang mga tauhan ng pulisya sa iniulat na lokasyon at doon na narekober ang mga kontrabando. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here