Home METRO P4.8M ismagel yosi, nasabat sa Pagadian City

P4.8M ismagel yosi, nasabat sa Pagadian City

1
0
Image Representation Only

PAGADIAN CITY, Philippines – Dalawang lalaki ang naaresto matapos masabat ang halos P5 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa magkasanib na maritime law enforcement operation sa karagatan ng Yllana Bay, Barangay White Beach, Pagadian City, madaling-araw nitong Linggo.

Ayon kay Capt. Derf Jay Maquinta, tagapagsalita ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon bandang 3:45 a.m. ng Zamboanga del Sur Maritime Police Station (ZDS MARPSTA) kasama ang iba pang law enforcement agencies.

Nahuli ang dalawang suspek na edad 24 at 26, kapwa residente ng Picong, Lanao del Sur, habang sakay ng isang wooden motorized pump boat na puno ng mga kahon ng hinihinalang ilegal na sigarilyo.

Nakumpiska ang bangka na may dalawang Honda 16HP marine gasoline engines at 80 master cases ng New Berlin cigarettes na nagkakahalaga ng tinatayang P4.84 milyon.

Napag-alamang walang Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamps at kinakailangang graphic health warning ang mga sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng ZDS MARPSTA ang mga suspek at nakumpiskang kontrabando para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga sigarilyo at iba pang posibleng sangkot sa smuggling. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here