Home METRO P4.9M marijuana, nasamsam sa Pangasinan

P4.9M marijuana, nasamsam sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN, Philippines – Nagkakahalaga ng mahigit ₱4.9 milyon ang hinihinalang marijuana na nasamsam ng mga awtoridad sa isang matagumpay na anti-illegal drugs buy-bust operation sa isang barangay sa lungsod ng Urdaneta nitong  Oktubre 1–2, 2026.

Naaresto sa naturang operasyon ang isang High-Value Individual (HVI) na nangungupahang sa Urdaneta City.

Nasamsam mula sa suspek ang 27,730 gramo ng hinihinalang marijuana leaves na tinatayang nagkakahalaga ng P3,327,600;  511 gramo ng hinihinalang Kush na tinatayang  nagkakahalaga ng  P1,533,000; at 240 ml ng hinihinalang likido ng marijuana at vape cartridges na may kargang hinihinalang  marijuana oil,  tinatayang nagkakahalaga ng P52,800.

Nakuha rin mula sa suspek ang isang .22 caliber revolver na may anim na bala, buy-bust at boodle money, at isang cellphone na umano’y ginamit sa ilegal na transaksiyon.

Ang naturang operasyon ay isinagawa bandang alas-4:57 ng hapon ng October 1 hanggang alas-7:25 ng umaga ng October 2 ng mga personnel ng  Urdaneta City Police Station (lead unit), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 at iba pang police drug at intelligence units.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka sa mga nakumpiskang bagay sa presensya ng suspek at mga kinakailangang saksi.

Pinuri ni Police Regional Office 1 Regional Director PBGEN Crisaleo R. Tolentino ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya na naging daan sa matagumpay na operasyon.

Hinikayat din niya ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang ilegal na gawain sa kanilang komunidad.

“We commend our PRO 1 operatives and partner agencies for this swift and successful operation. This major drug haul underscores our unrelenting commitment to eradicate the illegal drug in the region. I call on every citizen to stand vigilant and report immediately suspected illegal activities in your community and let us work together to protect the Ilocos Region from this kind of social menace,” ang naging pahayag ng PBGEN Tolentino. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here