ORIENTAL MINDORO – Arestado ang isang itinuturing na high-value individual habang nasamsam ng pulisya ang mahigit P4.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Roxas, Oriental Mindoro noong Huwebes ng madaling araw.
Isinagawa ang operasyon batay sa intelligence monitoring at pagpapatupad ng search warrant laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Nakuha sa operasyon ang ilang sachet at plastic packs ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 758.34 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P4.9 milyon.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang isang kalibre .45 pistola, isang magazine, at mga bala mula sa suspek.
May isa pang suspek na nakatakas at patuloy na pinaghahanap ng pulisya. Mary Anne Sapico