Home NATIONWIDE P400M winasak sa sektor ng agrikultura ng bagyong Carina, habagat

P400M winasak sa sektor ng agrikultura ng bagyong Carina, habagat

137
0

UMABOT na sa halos P400 million ang pinsala at pagkalugi sa agriculture sector dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa situation bulletin nito “as 3 p.m. , Hulyo 26” iniuulat ng DA na ang kabuuang halaga ng production loss resulta ng malakas na pag-ulan at pagbaha gawa ng bagyong Carina at Habagat ay nagkakahalaga ng P399.91 million.

Ito ay katumbas ng kabuuang volume ng production loss na 5,599 metric tons (MT) at 23,256 ektarya ng agricultural area na sinira sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western and Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga regions.

Naapektuhan din ng weather disturbances ang 21,785 magsasaka.

Ang mga nasirang agricultural commodities ay kinabibilangan naman ng bigas (P356.28 million, 4,578 MT), mais (P19.07 million, 545 MT), high value crops (P24.15 million, 477 MT), at livestock (P411,950, 2,508 ulo ng manok baboy, baka, kambing, tupa, itik, buffalo). RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here