Home NATIONWIDE P46M lotto jackpot solong naiuwi!

P46M lotto jackpot solong naiuwi!

MANILA, Philippines – Wagi ang nag-iisang lotto bettor at mag-uuwi ng jackpot prize na mahigit P46 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, Abril 22, 2024.

Nagawa niyang matumbok ang kumbinasyong 33-17-40-09-42-20 na may P46,011,957.80 jackpot prize.

Ang huling beses na tumama ang isang taya sa Megalotto 6/45 jackpot noong Marso 20 nang manalo ang nanalo ng mahigit P23 milyon.

Samantala, walang nanalo sa ibang major lotto draw noong Lunes ng gabi.

Ang kumbinasyong 51-09-47-41-40-04 ay lumbas para sa Grand Lotto 6/55 na may P29,700,000 jackpot. RNTÂ