TACLOBAN CITY – Mahigit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes, Abril 15, sa Barangay 89, San Jose, dito.
Arestado sa isinagawang anti-narcotics operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang isang Rosel, 23, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay 60 dito.
Narekober ng CDEU sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na binili ng isang operatiba sa halagang P50,000.
Nasamsam din sa mga operatiba ang pito pang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang may timbang na 750 gramo, at tinatayang nasa P5.1 milyon ang street value.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek sa operasyon.
Mga kasong paglabag sa Sections 5 (pagbebenta ng iligal na droga) at 11 (possession of Illegal Drugs of Art. II ng Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay isasampa laban sa suspek.
Siya ay pansamantalang nakakulong sa custodial facility ng City Drug Enforcement Unit.
Samantala, ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay itinurn-over sa Regional Field Unit 8 para sa chemical analysis. RNT