Home METRO P5-M tobats, nadiskubre sa bubong ng bahay sa Cavite

P5-M tobats, nadiskubre sa bubong ng bahay sa Cavite

306
0

CAVITE, Philippines – Nasa mahigit sa P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa ibabaw ng bubong ng isang bahay sa Breezewoods Subdivision, Gen Trias City, Cavite.

Ayon sa nakalap ng report mula kay PLtCol Bismark Mendoza, Hepe ng Gen Trias PNP, bandang alas-9:00 ng umaga. isang tawag sa kanilang himpilan ang natanggap mula sa Isang concerned citizen kaugnay sa isang kaduda-dudang kahon na nakuha sa mula buong ng kanilang bahay bsa Breezewoods Gentri Homes Subdivision, Barangay Pasong Kawayan 2 ng nasabing lungsod.

Nang buksan ang nasabing kahon, tumambad dito ang walong meduim na plastic bag at dalawang sachet na tumitimbang ng tinatayang 799.93 gramo na may estimated value na P5,439,524.00.

Base sa salaysay ng may-ari ng bahay, kinagabihan bago nadiskubre ang hinihinalang droga, nakarinig siya ng ingay sa taas ng bubungan ng kanyang bahay at nakita nito ang isang batang babae

Nakita rin niya ang isang batang babae na nagtatago sa labas ng bintana ng kanilang master’s bedroom na kalaunan ay madaliang pumasok sa kanilang bahay saka lumakad papalabas ng kanilang bahay.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang imbestgasyon ng pulisya upang malaman kung kanino ang illegal ng droga na natagpuan sa lugar. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here