Home NATIONWIDE P50B kinita ng gobyerno sa 70 legal na online gambling

P50B kinita ng gobyerno sa 70 legal na online gambling

242
0

Nakakuha ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng P50 bilyon sa license fees mula sa hanggang 70 legal na online gambling platform noong 2024.

Sinabi ni PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco na 50% ng mga bayarin ay agad na nairemit sa National Treasury.

Ang natitira sa mga bayarin ay ginamit para ma-subsidize ang iba pang ahensya tulad ng PhilHealth, Philippine Sports Commission, at Dangerous Drugs Board.

Aniya, ang na-contribute ng online gambling lamang sa PhilHealth ay mayroon halos P6.5 bilyon.

Kung titingnan aniya sa 30,000 average, makikitang ilang milyon ang natutulungan nito sa pamamagitan ng online gaming sa pasyente ng PhilHealth.

Sinabi ni Tengco na mayroong daan-daang ilegal na online gambling platform na tumatakbo mula sa labas ng bansa at pinupuntirya ang mga Pilipino, na sumisira sa industriya ng online gambling. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here