Home METRO P544K tobats nasabat sa anti-krimen ops ng QCPD

P544K tobats nasabat sa anti-krimen ops ng QCPD

134
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang suspek sa iligal na droga makaraang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000.00 sa isang anti-krimen na operasyon na isinagawa ng Fairview Police Station (PS5) sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD district director PBGEN Randy Glenn Silvio kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Jacinto”, 52 taong gulang, at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nabatid sa ulat ni PLTCOL Albert Jefferson Relente, Station Commander ng PS 5 ng Fairview, dakong 1:30  ng umaga noong Abril 22, 2026, habang nagsasagawa ng anti-krimen checkpoint ang mga tauhan ng PS 5 sa kahabaan ng Republic Avenue kanto ng Regalado Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City, pinahinto nila ang papalapit na suspek habang sakay ng isang motorsiklo para sa inspeksyon. Gayunpaman, hindi pinansin ng suspek ang checkpoint at bumilis ang takbo, na nagdulot ng maikling habulan na nagresulta sa kanyang agarang pag-aresto.

Nakuha mula sa suspek ang 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000.00, isang cellphone, belt bag, at isang Yamaha Sporty 125 motorcycle.

Ang suspek ay kasalukuyan ngayon nakapiit at nahaharap  sa kasong paglabag sa R.A. Blg. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Artikulo 151 (Pagtutol at Pagsuway) ng Revised Penal Code sa harap ng Tanggapan ng Piskal ng Lungsod Quezon.

“Pinupuri ko ang aming mga operatiba ng PS 5 para sa kanilang kasipagan na nagresulta sa pag-aresto sa suspek at pagsamsam ng mga ilegal na droga. Ang operasyong ito ay malaking ambag sa aming laban sa paglaganap ng droga at pinapakita ang aming pagtutok sa Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” sabi ni PBGEN Silvio. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here