Home NATIONWIDE P574-M tulong ibinigay sa mga nasa krisis sa pamamagitan ng Malasakit Centers...

P574-M tulong ibinigay sa mga nasa krisis sa pamamagitan ng Malasakit Centers – DSWD

304
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang Php574 milyong halaga ng tulong sa mga indibidwal na nasa krisis sa pamamagitan ng Malasakit Centers sa iba’t ibang ospital sa buong bansa.

“Sa ngayon, nakapag-disburse na tayo ng Php574 million pesos sa Malasakit Centers. Nagawa na natin ang mga kinakailangang pagbabago. In fact, ang appreciation na namin sa Malasakit are offsite payouts. So, ibig sabihin, kahit anong klase ng tulong na dala natin sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ay maaring i-disburse sa mga miyembro ng Malasakit ng Gatetchali sa Senado,” sabi ni DS. Pananalapi, na pinamumunuan ni Senador Pia Cayetano, sa budget deliberation ng ahensya noong Miyerkules (Setyembre 24).

Upang mapadali ang tulong na kailangan ng mga pasyente sa ospital, sinabi ni Sec. Gatchalian na ang Kagawaran ay nagsasagawa ng off-site payouts sa Malasakit Centers. Nangangahulugan ito na ang mga pasyente o pamilya ng mga pasyente ay hindi na kailangang pumunta sa mga tanggapan ng DSWD upang makakuha ng kanilang tulong.

Kaugnay nito tinugon ng DSWD chief ang concern na ipinalabas ni Senator Bong Go sa abala na kailangang tiisin ng mga pasyente at kanilang pamilya kung kailangan pa nilang pumunta sa mga opisina ng DSWD sa kabila ng pagkakaroon ng Malasakit Centers.

Samantala binigyang-diin ni Sec. Gatchalian na natugunan na ng Kagawaran ang isyung ito, habang nire-rebisa pa ang mga umiiral na guidelines.

“We would look at it na the Malasakit Centers as offsite outlets. Ginagalaw na namin ‘yung guidelines, pero even before that, we were doing it already. Kasi ang appreciation namin is offsite payouts ang Malasakit Centers. So, lahat ng menu dapat ng AICS, available doon,” the DSWD chief explained.

Sa ilalim ng AICS program, ang DSWD ay maaaring magpaabot ng tulong medikal, mula sa mga gamot hanggang sa mga bayarin sa ospital, gayundin sa pagbibigay ng libing, transportasyon, at iba pang uri ng tulong, depende sa pangangailangan at pagtatasa ng mga social worker.

“I want to assure the good senator that we’ve deployed social workers in these facilities where there are Malasakit Centers. Full deployment po ‘yun, except kung nag-resign—papalitan po namin,” ipinunto ng DSWD chief .

Tiniyak ni Secretary Gatchalian sa mga senador na walang kinikilingan ang DSWD pagdating sa pagpapatupad ng programa at ang probisyon ng AICS ay batay sa assessment ng mga social worker. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here