CLARK, PAMPANGA — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang ₱6.29 milyon na itinago sa loob ng water pressure equipment mula sa Estados Unidos.
Nadiskubre ang kahina-hinalang laman matapos makitaan ng iregularidad sa isinagawang scanning ng X-ray Inspection Project (XIP) ng BOC sa shipment.
Dahil dito, isinailalim sa masusing physical examination ang naturang kargamento upang beripikahin ang laman nito.
Patuloy pa ang pagsusuri at beripikasyon ng mga awtoridad sa nakumpiskang kontrabando, habang inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye ang mga kinauukulang ahensya hinggil sa operasyon. JAY Reyes