MANILA, Philippines – Naglabas ng P6.767 bilyon ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Health Emergency Allowance (HEA) ng mga eligible health care at non-health care workers.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos, inilabas ang kabuuang halaga na sakop ang pagbabayad ng Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) ng mga health workers.
Sakop ng naturang halaga ang 1.4 milyong claims mula 2021 hanggang 2023.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalabas ng pondo ay bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga health workers noong pandemya.
Dagdag pa ni Pangandaman, noong 2024 ay naglabas din ang DBM ng P121.325 bilyon para sa PHEBA at iba pang allowances.
Hiniling din ng kalihim sa Department of Health (DOH) na ipamahagi agad ang pondo sa mga benepisyaryo. Ang pondo ay nagmula sa SAGIP sa ilalim ng 2025 budget. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)