Home HOME BANNER STORY P6.793T 2026 proposed budget pasado na sa Kamara

P6.793T 2026 proposed budget pasado na sa Kamara

285
0

MANILA, Philippines – Sa botong 287 na pabor, 12 na No at 2 na abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 4058 o ang panukalang ₱6.793-trillion 2026 General Appropriations Bill (GAB).

Ang inaprubahang budget ay isusumite ng Kamara sa Senado at sa oras na maaprubahan din ang budget sa Senado ay saka isusunud ang Bicameral Conference Committee.

Isa sa key amendments sa 2026 budget ay ang budget cut sa Office of the Vice President, ang orihinal na proposal ay P ₱889.24 million at ginawa itong ₱733.2 million, o ₱156 million na bawas o katumbas ng 17.5% na pagbaba.

Ang budget ng OVP sa 2026 ay kahalintulad ng budget nito sa 2025.

Isa pa sa amendments sa 2026 budget ay ang pagtanggal sa ₱35 billion halaga ng infrastructure projects mula sa 2026 unprogrammed appropriations, ang hakbang na ito ng Kamara ay upang maiwasan ang hindi tamang paggamit ng lump-sum funds.

Una nang ipinaliwanag ni House Committee on Appropriations Chairman at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na ang pagtanggal sa infrastructure projects ay inirekomenda ng komite at inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Mas tinaasan ang pondo sa education sector, ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), State Universities and Colleges (SUCs) at Philippine Science High School System (PSHS) ay makakatanggap ng dagdag na ₱56.64 billion, sa kabuuan ang 2026 budget ng education sector ay ₱1.36 trillion, o 4.36 percent ng GDP.

Ang health sector na kinabibilangan ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ay makakakuha ng dagdag na₱92.57 billion habang ang agriculture sector, kasama dito ang Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR) ay makakatanggap ng dagdag na ₱53.75 billion.

Ang dagdag na budget sa nabanggit na mga ahensya ay naipatupad matapos tapsayan ng ₱255 billion ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakalaan sa flood control projects, sa nasabing pondo, ₱202.96 billion ang inilaan na dagdag pondo sa education, health at agriculture, habang ang natitirang pondo ay inilaan sa iba pang government agencies. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here