Home NATIONWIDE P60M lotto jackpots mailap

P60M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa malaking lotto draw na ginanap noong Lunes, Abril 15.

Walang nakahula nang tama sa lumabas na kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga nanalong numero para sa Grand Lotto 6/55 ay 04-16-54-34-23-29. Ang jackpot ay nananatili sa P29,700,000.00.

Ang mga nanalong numero para sa Megalotto 6/45 ay 17-26-35-30-42-07. Ang premyo ay P30,657,681. RNT